Isang araw ng hwebes, maganda ang araw, maaga ako nagising para gumayak papunta ng trabaho kasi sa MACSAT Main Campus ako magrereport. May dumaang mini bus, pinalampas ko (ang bagal kasi, parang pagong! haha..) Binusinahan ako ng UV Express, pero dahil nagte-text ako, di ko siya pinara. (Sayang!) Next sa si Opti-Bus Prime aka Victory Liner, gwapong-gwapo ang andar! Pinara ko at sumakay ako siyempre!
Pagdating ng mga bandang Brgy. Uacon, may sumakay na girl, mag 20 yrs old siguro, may kasama siyang batang lalaki na mga 4 yrs old at batang babae na 8 yrs old. Sa dalawahan na upuan sila umupo, katapat ng inuupuan ko na tatluhan. Ayon, tapos na. :D :D
Nang nasa bandang Masinloc na kami, umuubo yung batang lalaki, tinignan ko, parang wala lang. Maya-maya narinig ko, nagsusuka na pala sa hilo yung bata, tsk! Pawis na pawis, at hirap sa paghinga! Ako naman, tumabi ako sa may bintana at sumandal. Kasi may flashback!
Maikwento ko lang, nung bata pa ako, Madalas kasi kami bumiyahe ng Manila noon, commute lang kami. Minsan bumabagyo, minsan madaling araw ang alis, minsan kelangan mag-transfer ng bus kasi sira ang tulay, kelangan pa tumawid sa tulay na kawayan! (Yay! naalala ko tuloy yung takot ko sa pagtawid!) Di ko din malilinutan yung daanan na puro lahar, mga dike na ginagawa tsaka mga Bus Foods (free delivery pa) Hopia, Mani, PopCorn, Tupig, Balot, Penoy, Pugo, Chicharon, hehe.. (nagutom tuloy ako)
Suki ako ng Victory Liner na isa sa mga bata na nagsusuka sa biyahe dahil sa hilo. Haha, grabe ang hirap magsuka, lalo na kung halos wala ka na maisuka. Kainis kasi! Sayang pa mga kinain ko. tsk! Haha! Andun yung feeling na ang hirap huminga, basa ng pawis kahit aircon yung bus. Feeling ko mamamatay na ako, di na ako aabot ng Manila. Haha.
Pero dahil nga sa kinalakihan ko na ang biyahe, nasanay na din ako, until hindi na ako nahihilo sa biyahe, kahit di na ako uminom ng Biya-Hilo Bonamine! Pero hindi yan ang talagang point ng blog ko ngayon, yung next paragraph!
Ayun, just want to share na ayaw ko iparanas ang nakakamatay kong karanasan sa magiging anak ko. Yun lang talaga ang laman ng blog ko, pinahaba ko lang. Haha.. :D