Thursday, May 24, 2012

"Bakit ba wala akong material na pangarap?"


Asar! Paano ba mangarap? Yung para sa akin talaga.

Pangarap ko ang isang magandang bahay, ako mag-dedesenyo at sisiguruhin ko na maganda ang pagkakabuo. Pero ang pangarap na yun? Para sa magiging family ko. Hindi sa akin. Simpleng bahay nga lang ang gusto ko eh. Pwede na yung katulad ng mga bahay sa Batanes, kahit mukhang bato, nakatira naman yung pusa ko. :)

Pangarap ko ng kotse, pero ginaya ko lang yung pangarap na yan sa girlfriend ko dati. Ginaya ko ba yun talaga or pangarap ko yun para sa kanya? Di ko alam, gulo kasi ng isip ko. Buhol-buhol kasi utak ng tao, bakit kaya ganun? Tapos pansin ko lang, kulay pink yung brain sa Plants vs Zombies.. bakit kaya naligaw ang topic nito? ay ewan.. <Enter>

Isa sa talagang pangarap ko na matagal ko na din naisip eh dito ko na lang isi-share, yung bang bago ko pakasalan ang girlfriend ko eh ipaparanas ko sa kanya ang mga di pa nya naranasan na celebration sa buhay nya. Sample, kunwari nung 18th birthday nya, wala siyang debut, eh di bibigyan ko muna siya nun, as in yung pang-18th birthday talaga. May Rigodon de Honor pa! Eh basta, mga ganung idea ba.. :p Kaso hindi na naman para sa akin ang pangarap na yan, hehe.

Ano pa ba pangarap ko? wala talaga ako maisip. Puro kasi para sa ibang tao ang pinapangarap ko, tsk! Kung sabagay, ok daw na ganito ako. Kasi kuntento ako kung ano ang meron, pinagpapasalamat ko na yun sa Diyos. Di mahalaga ang materyal na bagay para sa akin, kelangan ko man sila, para din sa iba. Simple lang kasi ako. Minsan nga pati mali ng iba inaaako ko na, dahil pangarap ko na matupad nila mga nais nila. Yun nga lang ako pa napapahamak sa masamang itensyon nila. Hahaha..

Uy! ang galing. Pansin ko lang, pahaba ng pahaba mga talata ng blog ko. Hehe..
Hopefully, nag-enjoy ka sa pagbabasa at welcome sa first blog entry ko. Hehe..
Hope to see you again sa mga susunod pa na blog ko. ;)